Padayon Romblon
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Search
Display results as :
Advanced Search
Keywords

Latest topics
September 2024
MonTueWedThuFriSatSun
      1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30      

Calendar

Top posting users this week
No user

Padayon Romblon
Padayon Romblon
Admin
Posts : 3
Join date : 2022-04-08
https://padayonromblon.forumotion.com
20220410


TODO PINA
Ni Bobot Fradejas

MANUNUBA

MAITUTURING na isang malaking sakuna sa kasaysayan ng politika sa probinsya ang pagkakaupo ni Otik Riano bilang gobernador ng Romblon. Ang naipundar ng dating gobernador Lolong Firmalo sa loob ng siyam na taon, kabilang ang binayarang utang na 182M na iniwan ni Budoy Madrona ay nauwi sa wala sa loob  lamang ng tatlong taon.
Sa isang press conference na ginanap sa Honorable Sports Bar and Cafe, bumaliktad ang amin sikmura sa mga katiwaliang isiniwalat ni SP Joe Madrid na naganap sa loob lamang ng tatlong taon, ang unang termino ni Otik Riano.

Naupo si Otik Riano na malusog ang kaban ng probinsya. Mayroon humigit kumulang 1B ang iniwan ng dating gobernador Lolong Firmalo sa pagtatapos ng kaniyang huling termino. Bahagi iyan ng pondo na nararapat sa mga proyekto na pakikinabangan ng mga Romblonon--na sinakal habang naglalaway na mga myiembro ng Sanggunian Panlalawigan na kaalyado ni Budoy Madrona.

Maliban sa napakalaking halaga na iniwan ni Firmalo ay ang time deposit ng probinsya na pinagsikapan ng tatlong gobernador, Totoy Ylagan, Joe Madrid at Lolong Firmalo (hindi kasama si Budoy Madrona at Jojo Beltran) na layon sa emergency na nais kutingtingin ni Otik Riano ng walang pagsang-ayon ng lahat ng miyembro ng Sanggunian. Aniya, nangangamba siya na mahigit 100M na naka-deposito sa banko ay nauwi sa bula.

Ayon kay Madrid, hindi niya lubos maisip kung saan napupunta ang malalaking pera. Aniya, may natatanggap siyang hinaing ng mga medical suppliers na hindi nababayaran; mga job orders (JOs) na namumuti ang mga mata dahil walang natatanggap sa kanilang pinaghirapan; mga proyektong hindi matapos tapos.
Sa pagsisisimula ng unang termino ni Riano ay kaagad na umakyat ang kapangyarihan sa kaniyang ulo. Sinimulan niya ang malaking pagbabago sa pamamagitan ng pagpondo sa pagsasaayos ng Capitol building na nauwi sa pagsasaayos ng kaniyang sariling opisina sa halagang kasuklam suklam -- 30M pesos. Sapat na halaga sa disenteng pabahay para sa humigit kumulang na walongpung (80) namimilipit na pamilya.

Hindi mahirap magbuhay hari sa isangbilyong piso. Maari itong lustayin na parang wala nang bukas lalo na kapag napasakamay sa isang mangmang sa pinasok trabaho. Higit sa isang lider na ang konsepto ng pamamahala ay bigas, noodles at sardinas.

Alam ni Otik Riano ang kaniyang kahinaan-- ang mag-isip. Dahilan kaya nagtalaga siya ng "deputy governors" bilang bayad utang. Walang problema dahil sa malaking halaga na pinaghirapan ng iba. Nagmistulang "recruitment agency" ang kapitolyo, ayon kay Madrid. Aniya, iyak ang kaban ng kapitolyo sa mga bayad utang na mga empleyado. Higit na malakas ang hagulhol ng mga empleyadong hindi nababayaran.

Sa isang banda, binibigyan namin si Otik Riano ng benepisyo ng pagdududa (benefit of the doubt). May halos dalawang buwan pa natitira sa kaniyang unang termino upang tuparin ang kaniyang pangakong Dialysis Center na pinanganglandakan ng mga tsonggo. Hinahayaan namin siya na tuparin ang kaniyang pangako na maayos na serbisyo sa Romblon Provincial Hospital katuwang ang Malasakit Center na kaniyang inako.

Hinahayaan ng pitak na ito na magpakita ang mga espesyalistang doktor na mistulang multo dahil hindi makita. Hanahayaan namin siya ibigay ang clothing allowance sa hindi nakakatanggap bagaman nakapaloob sa 2021 budget.

Hangga't hindi natutupad ang kaniyang mga binitawang salita na hanggang sa ngayon, hindi mawawala sa amin mata at isip na siya ay isang huwad at manunuba.

#Romblon #PadayonRomblon

Maituturing na isang malaking sakuna sa kasaysayan ng politika sa probinsya 4__content_11_1200x1200

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan!"
- Dr. Jose P. Rizal


"Naniniwala ako na ang edukasyon ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang sandata sa kahirapan", sabi nga ni Doc Lolong.
Malaki ang pangarap at pag-asa ni Doc Lolong para sa ating mga kabataan. Kaya naman nang ang Philippine Science High School ay nagkaroon ng branch sa Mimaropa tumaas ang kumpyansa nya na ito na ang tutulong para sa ating mga kabataan at mga susunod na henerasyon ng Romblon.

Naglaan ang gobyerno ng 5-hectares of land, two-storey building (four classroom) at supply ng kuryente at tubig.Maliban pa rito, naglaan din ng pondo ang provincial government ng

Special Education fund ng kabuoang P56 milyong piso (2010-2018) for Repair/construction of classrooms, assistance to education programs, provincial meets, Mimaropa meet P200 milyong piso (2010-2018)

Scholarship program sa 1,100 scholars P13.3 milyong piso (2012-2018)

Nakaka-inspire ang mga proyekto ni Doc Lolong para sa ating probinsya na nagawa nya, hindi lang pinapakinabangan nating ngayon, lalo na sa kinabukasan ng ating mga anak.

Kay Doc Lolong, makakaasa tayo na kaya nya tayong tulungan. Nagawa na ni Doc Lolong noon, at magagawa nya ngayon. Muli natin syang ihalal bilang gobernador (#1 po sya sa balota)

Romblomanons, Padayon! #doclolong #governor #sulongromblon #romblon #goodgovernance #publicservant #padayon #Ibalikangdangal

Source: https://www.facebook.com/govlolong/photos/a.10151691471786633/10159295545751633

Click/Tap here for more info
Share this post on:reddit

Comments

No Comment.

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum